Soldiers' Song - Awit Kawal
Soldiers' Song - Awit Kawal
Ako ay kawal ng aking bayan,
Giting ay tinataglay.
Sa oras na ako'y kinailangan,
Nakahandang ihadlang ang buhay.
Tapang namin ay napatunayan,
Sa gubat at larangan.
Luzon, Mindanao at Visayas man,
Sa Bataan, Korea at Vietnam.
Buong loob na lumulusob,
Kalasag ng matatag na Republika.
Punglo't pawis ay 'di alintana,
Sa kasama'y laking tiwala.
Tatag ng kawal ay lakas ng bansa,
Kaya palaging maghanda.
Sa katunggali'y makikibaka,
Pagkat mahal namin ang bandila.
Buong loob na lumulusob,
Kalasag ng matatag na Republika.
Punglo't pawis ay 'di alintana,
Sa kasama'y laking tiwala.
Tatag ng kawal ay lakas ng bansa,
Kaya palaging maghanda.
Sa katunggali'y makikibaka,
Pagkat mahal namin ang bandila.
Based shit
ReplyDelete